RSS Feed

Damuhan O Sa Harap ng Computer?

Posted on

“You were tagged in your friend’s photo”

“Bino retweeted one of your tweets”

“Showing 1 of 26,000 results”

“Loading…Please wait…”

Ang mga salitang ito ay madalas nating mabasa sa pamamagitan ng interconnected computer networks o “internet” sa maikling salita. Ang internet ay isa ngayong instrumento para sa komunikasyon at transaksyon ng mga tao o grupo ng tao sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ako’y napatanong sa aking sarili, ano kaya kung noong high school pako, ay meron na nito?

Ako ay produkto ng tambay sa damuhan noong ako ay nasa elementary at high school.

Noong aking panahon, pagkatapos ng klase, ang mga estudyante ay madalas naupo sa damuhan para magkuwentuhan. Madalas pa nga naming binubunot yung mga damo, na ang tawag nila ay “damology.” Sa damuhan ko natutunang maglaro ng moro moro, magpalitan ng songhits sa mga kaklase para sa mga bagong kanta, magpalitan ng mga kwento sa mga crush, kwentuhan sa mga masusungit naming opisyales ng CAT, kwentuhan sa gawaing bahay na hindi nagawa, o kaya’y hinuha sa aming kahihinatnan sa aming paglaki.

Ngayon, ang mga bata ay parte na rin ng isang pagbabago. Ang paggamit ng “internet.” Ito ang naguubos ng oras nila sa loob ng computer shop, o kaya’y sa kanilang mismong bahay, hanggat may mabilis na koneksyon sa internet.

Sa pamamagitan nito, ang mga kabataan ngayon ay nahuhumaling sa pakikipagkaibigan at sa iba’t ibang paraan ng sosyalismo sa iba. Sa isang pindutan lang ng mouse, nakakahanap na sila ng mga sagot sa tanong at mga napagkakalibangan. Kahit yata ang sagot sa kung san mkakabili ng murang galunggong, alam itong sagutin ng internet. Palitan ng mga larawan, hiritan ng mga banat, ang pagpost ng mga“tweets” at ang paglalaro ng mga larong makakapagbigay sayo ng pakiramdam na ikaw ay isang hero o bayani. Maraming pwedeng magawa pag kaharap mo na computer o laptop, kasama ang broadband mo.

Dati ang mga studyante, nagpupunta sa silid aklatan para maghanap ng sagot sa kanilang mga takdang aralin. Ngayon, nakaupo na lang sila sa tabi ng isang kahong daig pa ang maligno sa daming kamanghaan na kayang ibigay sa tao.

Masasabi ko din na sa ngayon, ang internet na ito ay nkakaapekto na sa pagbabago ng lingwahe at panitikan. Dito mo na makikita ang mga ‘jejemon,’ ‘slang,’ ‘loan words,’ carabao English,’ at pati na rin ang ‘bekimon.’ Pinaghalo halo na, ika nga. Masasabi ko rin na ito ay nakaka apekto sa asal at paguugali ng mga tao. Dahil mas marami na ang ‘platform’ ika nga para mailahad natin ang mga sarili. Ang ibang tao, halos ikuwento na ang mga pangyayari sa buhay nila, yung iba, ang turing ay “wala lang.” Paano kaya ang mga paraan ng kagawaran ng edukasyon para mabigyan ng control ang mga ito sa usaping pagaaral at edukasyon? Paano din kaya ang mga hakbang na ginagawa nila para patuloy na maihabi ang internet sa ating edukasyon? Ang ating lipunan ay kailan magiging handa? O di kaya’y mas tamang tanungin na paano gumagalaw at umiikot ang lipunan natin sa sistemang meron ang “internet”?

Kailan kaya uli darating ang panahon na ang mga bata ay nasa damuhan, at nagpapalipad ng saranggola? Kailan kaya mauulit na ang mga kabataan ay sama samang magkukuwentuhan sa gabi kasama ang mga kaibigan habang naririnig ang ingay ng mga kulisap? Kailan kaya mauulit na ang paglalaro ay isang bagay na ginagawa sa pamamagitan ng pagtakbo at paggamit ng katawan, at pagkatapos ay isang sandigan ng pagkakaibigan ang maihuhulma?

Kung wala kaya ang internet ngayon, mabuhay kaya ng simple ang mga tao, gaya nang dati, at muling uupo sa damuhan para sabihing “Kaibigan, kwentuhan tayo.”

* * * * *

Ito ang aking lahok para sa Bagsik ng Panitik patimpalak ng Damuhan.

About these ads

20 responses »

  1. humabol! salamat sa paglahok

    Reply
    • Sabi ko naman sayo, hahabol ako. Dumugo ang utak ko. hehe. Suporta ko yan sa kontest mo. Masaya pala feeling sumali kahit na alam kong di ako mananalo.. haha. :D

      Reply
  2. eeh nice. buti nakahabol pa. =D

    Reply
  3. Itong akda na ito ang pumupukaw sa kasalukuyang kalagayan natin bilang gamit na gamit natin ang mga makabagong teknolohiya sa pang-araw araw nating buhay.

    Lagi tayong nagkukumpara, dati ganyan kami…dati ganito kami, nagbabago nga ang panahon.

    Sana nga may magawang hakbang ang kagawaran ng edukasyon upang magabayan ang mga kabataan sa paggamit ng teknolohiyang ito upang mas magamit nang wasto at hindi lumiliko, ganun na rin ang gabay ng mga magulang ay mahalaga.

    Reply
    • Wow, dumaan dito si J.Kulisap? Maraming salamat po. I am honored talaga. Salamat po kuya.. hehe. Yun lang po naisip kong isulat eh. Ang teknolohiya nga po ay nakakasama na sa agos ng panahon at mga pagbabago, at dapat ay alam natin ang mga implikasyon nito.
      Salamat po sa pagdalaw sir! :D

      Reply
  4. Great post. Yeah – ako ganun rin dati but now, ang ganyang habit eh corny na or cheap para sa mga kabataan. *Sigh* Kabataan. matanda na ba talaga ako?

    Reply
  5. Nakakagulat! Kanino mo ito pinasulat tol? AMAZING!

    Reply
  6. Manul-nulat ng Bayan

    good luck po

    Reply
  7. natawa ko sa damology haha meron pala nun, pero we did that yung pagbubunot ng dami habang nagkukwentuhan at nangyayari yun ng hindi mo namamalayan.. masarap talagang balikan yung dati.. pero masarap padin yakapin ang ngayon! =)

    Reply
    • Naku syempre, gaya nga ng sabi ko, our world today will never be the same without this technology and change will always be part of our lives. Ano daw? hehe. :D

      Reply
  8. Nagbasa. Humusga. Hmn… ibang-iba naman na talaga ang mundo nuon sa ngayon. Kung dati-rati’y sa damuhan ang tagpuan at palaruan, ngayo’y sa harap na lamang ng computer. Sabi nga, dapat makiayon sa pagbabago. Tunay na ang pagbabago ay patuloy ngunit nakakabahalang dumating sa panahong ang nakagisnan ay hindi na matatagpuan sa panitikan, sa mga aklat o silid-aklatan dahil maging sa kasalukuyan kay pareng Google lang at kay mareng Wiki, sold na ang karamihan. Good luck sa entry.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 3,623 other followers

%d bloggers like this: